Thursday, July 29, 2010

nagkukulet lang!

hindi ako magaling magsulat,
wala sa akin ang teknikal na aspeto ng pagsusulat,
basta alam ko pagsusulat na tong ginagawa ko..

nakakatawa ano? pero nakakakaaliw.
dito nailalabas ang lahat ng mga tanong,
lahat ng nais ibahagi, lahat ng kuro-kuro,
lahat ng ka-tripan, at lahat ng emosyon..

kumportable ako sa ganitong paraan,
wala akong pakealam sa kung paano talaga magsulat,
kumportable sa sariling lengwahe
na para ka lang bumabyahe..

marami kang kausap sa blog na to,
kahit hindi mo naririnig,
alam mo ang tono, alam mo boses
ng sarili mong likha at ang masaya dun
hinahayaan mong mabasa ng kung sino
man nilalang ang mga gawa mo.

ang galing ano?
wala lang nakakaaliw lang.
anu kaya ang masasabi ng mga makakabasa nito?
maaring may tumawa dahil sa kabaliwan na to,
maari din may mainis dahil walang laman ang blog na to,
maari rin may makaisip na nagsayang lang siya nga
oras sa pagbasa nito.

pero kahit anu pa man..
ayos lang..
ang alam ko lang nabasa mo to!
ayos na un! nagkaron ka ng time para dito
kaya salamat..:)

hahahahah! apir!