Thursday, November 26, 2009

Mag-isip ka Juan!

MAMAMAHAYAG.
SIBILYAN.
SI JUAN.
PILIPINO.


lahat damay-damay na sa isang trahedyang hindi inaasahan.

KATOTOHANAN.
PANGYAYARI.
ELEKSYON.
TRABAHO.


hangad ng bawat taong biktima ng karumal-dumal na krimen.

KAPANGYARIHAN.
KAYAMANAN.
KARANGYAAN.
KASINUNGALINGAN.


Ibang klase rin ang politika dito sa Pilipinas. Parang walang kinakatakutan, walang sinasanto.. may konsensya pa ba ang mga ito?

Akala ko ba malaya ang Pilipinas? Akala ko ba malaya si Juan sa kanyang mga hangarin? Akala ko ba may batas na nagsaaad ng kaligtasan ni Juan? Ngunit parang maling mali ang lahat. Ganito na ba ka-lala ang sitwasyon?

maraming buhay ang nabuwis.. ilan pa ba ang susundan nito? nakikiramay sa lahat ng pamilya, kaibigan at kamag-anak ng mga kaawa-awang biktima.

maisip sana ni Juan ang kanyang mga pagkakamali. hanapin sana muli ang landas na iyong hinangad para sa lahat.. Mag-isip ka Juan para sa iyo at sa kinabukasan.

No comments:

Post a Comment