Ito ang huling araw ng taon na to.. kung iisipin kong mabuti marami-rami din ang nangyari... halo-halong pangyayari na minsa'y naging parte ng pagkatao ko..
Mula nung Enero ng taon na to naging maayos naman ang lahat hanggang Marso.. naalala ko gumagawa pa kami ng thesis ng mga panahong ito.. natatakot pa kung makaka-gradweyt ng kolehiyo at kung papasa ba kami sa lahat ng subjects.. ito ang pinaka-kritikal na panahon noong nag-aaral pa ko.. ito rin yung mga panahon na pumapasok kami sa eskwela at naghahanda na sa pagtatapos.. Ito rin yung mga panahong ine-enjoy na namin ang buhay estudyante at tila parang gustong bumalik sa taong nagsisimula ang lahat. Sobrang hectic din kami nung mga panahon na to at naghahanda para sa Hildegard Awards na taon taon eh inaayos ng mga MassCom students na magtatapos bilang last project sa kurso.. Naidaos ang lahat ng masaya.. eto rin yung panahong binigyan kami ng magandang pamamaalam ng aming mga guro mula first year college. yun ung SEND OFF party sa amin na tila alam nilang kakayanin na namin harapin ang indutriya at buhay sa labas ng eskwelahan. Salamat sa lahat ng itinuro sa amin dahil lahat ng iyon ay nananatili sa amin lahat. Mabuhay ang MassCom ng St. Scho!!;)
Pagtapos ng kolehiyo sabi ko sa sarili ko papahinga naman muna ako.. siguro mga dalawang buwan at mageenjoy muna ako sa buhay ko.. hindi ko inakala na ang dalawang buwan ay magiging tatlo, apat, hanggang siyam na buwan at wala pa din akong trabaho. sabagay, yung mga buwan na iyon ginugol ko sa pag-aalaga sa pamangkin ko at lagi ko nakakasama ang pamilya ko.. kaso aun nga.. parang sumobra? hahahhaha! kung babalikan ko ang taon.. sobra akong naging choosy sa trabaho.. madami akong tinanggihan na trabaho at mejo meron din na hindi ako tinanggap dahil hindi naman sila hiring.. di ko akalain eto na pala ang totoong mundo.. ang hirap ng buhay.. ngaun nakikita ko na sana hindi ako tuluyan lamunin ng pag-hihirap na to.. tiyaga tiyaga lang at magkakatrabaho din ng para sakin.. ehehhe...
Ngayon ko naiisip ang mga nasayang na oras at panahon na wala akong ginagawa.. na pa-easy easy lang.. kaya ako naiinis dahil hindi ako sanay ng walang ginagawa kaya lang anong magagawa ko kung walang trabaho na gusto ko.. kaya sa darating na taon na to isa sa mga new year's resolution ko ay ang hindi maging choosy sa mga bagay bagay.. hahahah! aayusin ko na buhay ko.. sigurado yan..
Ngunit madami din naman magaganda ang nangyari sa akin.. dami ko nakilala bagong tao na ngaun ay parte na ng buhay ko.. masaya ako sa kung ano man ang ibigay sakin.. at nagpapasalamat ako na ksabay ng mga bagong tao sa buhay ko ay nananatili ang mga lumang taong sobrang mahalaga sa akin.. anjan ang barkada na hanggang ngaun kahit madami na ang nangyri ay nananatili pa din masaya at makulet..
Sa isang buong taon hindi natin alam ang mangyayari sa buhay natin kaya dapat harapin na lang natin ito ng buong puso.. kaya ako.. iiwan ko na sa 2009 ang lahat ng bigat sa puso ko at magsisimula ng bago sa bagong taon.. hahahha!
Goodluck sa akin.. paalam 2009! salamat sa lahat..;)
Hwag ka na muna kasing masyadong maarte sa trabaho no. :p Paano mo malalaman kung hindi mo susubukan, di ba? Kung hihintayin mo yung perfect job na gusto mo, gudlak naman talaga. Hahaha. Kaya mo yan. :)
ReplyDeleteoo na nga.. hindi na nga.. kung ano na dumating,, kaya eto na oh.. easy ka lang,,:)
ReplyDelete