Thursday, March 11, 2010

wala sa damit yan!

oh well.. wala lang naman ito.
walang masyadong seryosong isusulat.
isa lamang itong obserbasyon sa mga tao..

Minsan sa aking paglalakad aking napapansin pati
ang mga damit ng mga taong nakakasalubong ko tinitignan ko.
kumpara mo naman sa suot ko mas muka nga silang nagtatrabaho
sa opisina kesa sakin. para lang naman akong isang taong
pagala gala lang sa kalye kumpara sa kanila. Pero naiisip
ko balot ng kanilang magarang suot naisip ko kung ano kaya
ang totoong pagkatao nila sa likod ng mga damit na iyon.

wala naman akong negatibong iniisp. Masyado lang akong curious talaga.
Tulad na lamang noong isang araw dumaan ako sa opisina ng barkada ko,
wala lang nagkita lang kami. Sa opisini kasi nila eh may uniporme hindi
tulad sa amin. anyway,malayo pa lang ay tanaw ko na mula sa pintuan ng opisina
ang kaibigan ko ngunit mayroon din akong napansin na isang lalakeng nakabarong
na puti na nakatayo sa gilid ng kanyang lamesa at nakikipag-usap sa kanya.
Napa-isip ako kung sino siya. Ang buong akala ko iyon ay si Manong guard ng kanilang
opisina. Pumasok na ako ng pinto at lumapit. Pinakilala ako ng kaibigan ko sa kanya.
Malaman laman ko na ang lalakeng naka-puting eto eh ang Presidente pala ng kanilang kumpanya. oohhhhh!!! patawad po at napagkamalan kitang si manong guard.
biruin mo siya ang presidente ng kumpanya.. at noong makilala ko'y tila napaka
galing at napaka talino.. dun ko napagtanto na wala talaga sa damit ang
pagkatao ng tao.. nagulat lang naman ako at medyo naaliw din naman..

kaya sa susunod kilalanin muna ang mga nakakasalubong ok?!

No comments:

Post a Comment