Sunday, March 3, 2013

TARANTACIOUS!


Meron na lamang ako isang araw pa
Upang Makita at makasama ka
Ewan ko, pero tila ako’y natataranta
Sa natitirang oras ng pagsinta.

Hindi naman ito ang katapusan
Pagpasenyahan mo na’t hindi ko maiwasan
ang mga bagay na tumatakbo sa aking isipan
na talagang walang katapusan.

Hindi lang talaga ako sanay
Na sayo mahal ay mahiwalay
Gustong gusto kitang pigilan
Ngunit alam natin na ito ay kailangan.

Para sa’yo, sa akin,
Sa mga pangarap natin
Isang hakbang upang lahat ay matupad
Kahit san lugar man tayo mapadpad.

3/3/13
-YIN-

No comments:

Post a Comment