ano man ang ma-isulat
marahil dahilan lng ito ng pagka-mulat
sa katotohanang matagal ko nang pinagtataguan
na pilit kong inaalis sa isipan.
subalit hindi ko mawari ngayon
kung bakit nakikisabay ito sa panahon.
nakaka-lungkot ika nga
na parang gsto ko na lang pumasok sa banga.
hindi ako sanay sa mga ganitong eksena
at kung maari lang ay gumamit ng maskara
nang sa ganon ay hindi nino man makita
ang isinisigaw ng mga mata.
paano ko ba masasabi sa sarili
ang mga katagang "ayos lang yan" ng nakangiti?
kahit alam na alam kong hindi
at walang masabihan kahit anong hikbi.
-tinignimaria-
No comments:
Post a Comment